Learning Hub
2 min

Pwede ka Kumita sa Bonds... Government Bonds

2 min

Pwede ka Kumita sa Bonds... Government Bonds

Ang government bonds ay isang financial instrument kung saan pwede i-invest ang iyong pera.


Ang mga government bonds ay nasa kasunduan sa pagitan mo at gobyerno. Nakalagay dito ang panahon ng agreement at interest rate ng bond.


Kumpara sa ibang klaseng investment, hindi nababawasan ang value o halaga ng puhunan mo sa government bonds


Mga Kahulugan ng mga Bond-Related na Salita
Maraming klaseng bonds na pwedeng pagpilian. Ang tamang bond para sa iyo ay depende sa risks na kaya mo akuin.


Ang iba’t ibang klaseng bonds ay:


Bonds - Ito ay isang uri ng fixed-income investment. Nagpapahiram ang isang investor ng pera sa gobyerno o pribadong kumpanya, Pagkatapos ang nakatakdang panahon, ibabalik ang principal sa iyo kasama ng interest na binabayararan sa coupon rate.

Treasury Bills - Pwede mo bilhin ito sa mababang price kaysa sa face value niya. Kapag nag-mature na ang Treasury Bill, makukuha mo ang full value ng binili mo.

Retail Treasury Bond - Ito ay isang paraan para mag-raise ng funds ang gobyerno. Usually, may set na maturity term ang mga RTB at nagbabayad sila ng interes kada tatlo o anim na buwan.

Offer Period - Ito ay panahon kung kailan pwede bilhin ng clients ang mga bond tokens sa GCash app.

Award Date - Ito ang petsa kung kailan ipapaalam sa’yo by email kung fully, partially, o hindi nabigyan ng bonds. Madalas, pinapadala ito isang araw matapos ang offer period. Ang desisyon nito ay galing sa Bureau of Treasury (BTr) at ipapadala sa bonds.ph, Inc., ang broker at dealer ng treasury bonds.

Issue Date - Ito ang petsa kung kailan binibigay sa’yo ang bond orders mo. Madalas pinapadala ito dalawang araw after ng award date, kung hindi magbago ang schedule ng Bureau of Treasury. Meron ka rin matatanggap na Confirmation of Sale email after ng issue date.

Maturity Date - Ito ang petsa kung kailan mo makukuha ang credit kasama ng bond face value at ang kinita na interest

Palaguin natin ang pera mo gamit ang bonds!
Ang bonds ay isang stable na paraan para palaguin ang pera kumpara sa stocks o cryptocurrency.


Para magkaroon ng steady income, subukan na mag-invest sa government bonds!


May natutunan ka? Share mo sa friends mo
Share
Page Link
This is some text inside of a div block.